Kinilala ang mga sus­pek na sina Leny Con­cepcion, 42, isang OFW ng Brgy. Ungib, San Quintin Pangasinan; Francisco Tuzon, 49, ng Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya at Jerome Alarcio, 28, ng Brgy. Capirpirwan, Cordon, Isabela.
File
3 tiklo sa pekeng ‘warrant’
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

SANTIAGOC CITY, Isabela, Philippines — Sa halip na sila ang mang-aaresto, tatlo katao kabilang ang isang babae na hinihinalang mga kasapi ng malaking sindikato ang inaresto ng mga awtoridad matapos gumamit ng pekeng warrant of arrest para makapanloko at makakolekta ng ma-laking halaga sa Bayombong, Nueva Vizcaya, kamakalawa.

Kinilala ang mga sus­pek na sina Leny Con­cepcion, 42, isang OFW ng Brgy. Ungib, San Quintin Pangasinan; Francisco Tuzon, 49, ng Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya at Jerome Alarcio, 28, ng Brgy. Capirpirwan, Cordon, Isabela.

Sa ulat, nagtungo ang tatlong suspek sa bahay ng isang Azalea Castillo, 37, ng Purok 6, Vista Alegre, Bayombong, Nueva Vizcaya para isilbi ang isang warrant of arrest laban sa  una na may recommended bail bond na P300,000 noong Enero 31, 2020. Para hindi na umano siya hulihin, sinabihan ng mga suspek ang biktima na magbigay na lamang ng P30,000.

Dahil sa takot, naki­usap ang biktima na maghahanap muna siya ng pambayad na P30,000 at para makatiyak ang mga suspek ay gumawa sila ng kasulatan sa tanggapan ng punong barangay na nagsasabing ibibigay ng biktima ang nasabing halaga sa Feb. 20, 2020. Habang inaabot ang pera nitong Huwebes, agad dinakip ng mga pulis ang tatlong nasorpresang suspek matapos madiskubre na peke pala ang hawak nilang arrest warrant dahil walang criminal record ang complainant.

PEKENG ARREST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with