^

Probinsiya

Namatay sa nCoV sa Albay, pinabulaanan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

3 katao inilagay sa isolation

LEGAZPI CITY, Philippines — Pinabulaanan kahapon ng pamunuan ng Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) na may namatay rito dahil sa no­vel coronavirus (nCoV) matapos kumalat ang mga “fake news” sa social media na may Amerikanong nasawi sa isang ospital kamakalawa.

Ayon kay Dr. Rogelio “Butch” Rivera, medical director ng BRTTH, hindi dapat maniwala ang mga mamamayan sa mga kumakalat sa social media at walang dapat ipangamba ang mga mamamayan dahil walang katotohanan ito.

Gayunman, inamin ni Rivera na may tatlo katao ang ipinasok nila sa isolation room sa pagitan ng alas-8 hanggang alas-9 ng gabi noong Huwebes makaraang may referral silang tinanggap mula sa hindi niya binanggit na tao.

Sinabi ni Rivera, dala­wa rito ay mag-asawa na nagbakasyon umano sa Amerika at dumaan sa Shanghai, China pero tumanggi itong kumpirmahin kung taga-Albay o turista ang dalawa. Isinama na umano nilang ipinasok sa isolation room ang driver na sinakyan ng mag-asawa.

Nilinaw ni Rivera na hindi maituturing na person under investigation (PUI) kundi mino-monitor lang nila ang kalagayan ng tatlo at naniniguro lang ang BRTTH kaya ipinasok nila sa isolation room bilang bahagi ng protocol. Kinunan na umano nila ng swab samples ang tatlo at ipinadala sa Department of Health (DOH).

Ang BRTTH ay may apat na inihandang isolation rooms para sa suspected nCoV patients na hiwalay sa mga kuwarto ng mga pasyente sa pagamutan.

vuukle comment

NO­VEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with