Terorista todas sa engkuwentro
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2020 - 12:00am

LANAO DEL SUR, Philippines — Napaslang ang isang pinaghihinalaang notor­yus na miyembro ng Dawlah Islamiyah terro­rist matapos na makasagupa ang tropa ng militar sbulubundu­king bahagi sa hangganan ng Balindong at Piagapo, Lanao del Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Lt. Col. Rafman Altre, comman­der ng 82nd Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army ang napatay na si Jarir Usman, 28-anyos ng Brgy. Raya Saduc, Marawi City, Lanao del Sur.

Ang mga nasugatang kasamahan ng napatay na terorista ay mabilis na nagsitakas sa takot na makorner ng  tropa ng pamahalaan.

Narekober sa encounter site  ang isang M16 rifle, apat na improvised explosive device (IED), dalawang kilo ng sangkap pampasabog, isang magazine ng M16 rifle, isang cellphone, isang container ng bigas, mga personal na kagamitan at mga subersibong dokumento.

Kaugnay nito, hinikayat ni Col. Jose Maria Cuerpo II, commander ng 103rd IB ang publiko na ireport ang presensya ng mga terorista sakaling mapagawi ang mga ito sa kanilang komunidad.

PHILIPPINE ARMY RAFMAN ALTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with