Rider sumemplang, tigok sa van
Sumuko naman ang driver ng nakasagasang van na si Arturo Duka Jr, 41-an-yos, residente ng Brgy. Bitano, Legazpi City.
STAR/File
Rider sumemplang, tigok sa van
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng isang rider nang sumemplang ang minamanehong motorsiklo ay nagulungan naman ng sumusunod na van naganap sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Purok-7, Brgy. Namantao sa bayan ng Daraga, Albay kahapon ng umaga. Ang biktima na hindi na umabot pang buhay sa Bicol Regional Trai-ning and Teaching Hospital sa Legazpi City ay si Oliver Loria Llacuna, 23-anyos, residente ng Brgy. Kidaco, sa lungsod na ito.

Sumuko naman ang driver ng nakasagasang van   na si Arturo Duka Jr, 41-an-yos, residente ng Brgy. Bitano, Legazpi City.

Sa ulat, dakong alas-7:50 ng umaga, magkasunod na binabaybay ng van na may plate number 050110 ni Duka at walang plakang motorsiklo ni Llacuna ang kahabaan ng highway.

Gayunman, sinubukan ng biktima na mag-overtake sa shoulder ng kalsada sa kanang bahagi pero sumemplang ito at nagulungan ng van.

 

ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with