Binata nilamon ng lawa

MANILA, Philippines — Isang binata ang nasawi makaraang lamunin ng lawa ng Laguna habang naliligo sa Barangay Pila-Pila, Binangonan, Rizal kahapon ng umaga.

Wala nang buhay ang biktimang si John Vincent Ceñalada nang matagpuan ng mga rescuer sa Rizal.

Sa pahayag ng testigong si Nelson Pagubasan sa Bina­ngonan Municipal Police dakong alas-9:30 ng umaga nang mamataan niyang naliligo ang biktima sa naturang lawa na malapit lamang sa barangay hall ng Barangay Pila-Pila. Makalipas ang isang oras, hindi na umano nila makita pa ang biktima kaya’t kaagad na siyang humingi ng tulong at hinanap ito.

Nang matagpuan ang biktima ay tinangka pa nilang i-revive ngunit wala na siyang buhay. 

Show comments