P7.5 milyong shabu nasamsam sa HVT

Nasamsam dito ang nasa 1.2 kilo ng hinihinalang shabu na may street value na 7.5 milyong piso at perang ginamit sa operasyon.
STAR/ File

ANGELES CITY, Pampanga, Philippines — Ares­tado ang isang lalaki na high value target (HVT) dahil sa umano’y pagbebenta at pag-iingat ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Sta. Trinidad ng lungsod na ito noong Biyernes ng hapon. 

Sa ulat buhat sa tanggapan ni Angeles City Police Director P/Col.Joyce Patrick Sangalang, kinilala ang suspek na si Michael Balingit alias “Mike”, 39 ng Northville, Brgy. Cutud. Nasamsam dito ang nasa 1.2 kilo ng hinihinalang shabu na may street value na 7.5 milyong piso at perang ginamit sa operasyon.

Ayon sa suspek, ang nakumpiskang shabu ay pinadala lamang sa kanya upang ideliver sa Angeles ngunit minalas dahil ang nakatran­saksyon nito ay isang pulis na nagpanggap na buyer. Kung nakalusot ang delivery ay kikita umano siya ng P10,000.

Show comments