Drug ops: 1 tumba, 11 dakma

Bukod sa nasamsam na 20 sachet ng hinihinalang shabu, ay nakuha rin sa suspek ang isang cal.38 revolver na paltik at ang gamit nitong motorsiklo sa pagdedeliber ng shabu.
The STAR/ File

BULACAN, Philippines — Tumimbuwang ang isang sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng droga matapos manlaban sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Plaridel, Bulacan, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Bulacan Police Director Col. Emma Libunao ang napatay na suspek sa alyas lamang nitong “Unta” na agad kumasa nang putukan sa Barangay Lalangan dakong ala-1:00 ng mada­ling araw.

Bukod sa nasamsam na 20 sachet ng hinihinalang shabu, ay nakuha rin sa suspek ang isang cal.38 revolver na paltik at ang gamit nitong motorsiklo sa pagdedeliber ng shabu.

Samantala 25 sachet ng shabu ang nakuha mula sa 11 pang ‘tulak’ na natiklo sa parehong gabi sa mga bayan ng San Jose Del Monte, San Ildefonso at Bustos dagdag ni Libunao.

Show comments