Suspek sa pagpatay sa dalagita todas sa parak
Kinilala ang suspek na si Richard Romo Gumilid, 31-anyos at residente ng nasabing lugar habang kinilala ang biktima na si Barbie Bernardido Inocencio, estudyante ng Notre Dame of Banga.
STAR/File
Suspek sa pagpatay sa dalagita todas sa parak
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Napatay nang manlaban sa umaarestong mga pulis ang suspek sa pagpatay sa isang 16-anyos na dalagita sa Barangay Kalawag I, Isulan, Sultan Kudarat kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Richard Romo Gumilid, 31-anyos at residente ng nasabing lugar habang kinilala ang biktima na si Barbie Bernardido Inocencio, estudyante ng Notre Dame of Banga.

Sinasabi sa ulat ni Police Lt/Col. Lino Capellan na pumalag si Gumilid sa mga pulis na humahabol sa kanya  at tinangka ng suspek na tanggalan ng pin ang hawak nitong granada kaya pinagbabaril na ito ng mga awtoridad.

Sa imbestigasyon ng pulisya, si Gumilid ang hu­ling nakitang sumundo kay Inocencio bago ito napaulat na nawawala noong Dis­yembre 2.

Nito lamang Miyerkules nakita ang bangkay ng biktima na nakasilid sa sako at inaanod sa irrigation canal.

Isasailalim sa autopsy ang bangkay ng bata para malaman kung ginahasa ito. Bukod kay Gumilid, may dalawa pang persons of interest sa pagkamatay ng biktima.

Samantala, itinanggi naman ng pamilya ni Gumilid ang paratang laban sa kanya at iginiit na hindi nanlaban ang suspek at wala din itong bitbit na granada. 

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with