P3.2 milyong shabu nasamsam sa babaeng drug pusher
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Umiskor ang mga awtoridad nang madakip ang isang High Value Target (HVT) na babaeng drug pusher na nakumpiskahan ng P3.2 milyong halaga ng shabu  sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. 3, Bacolod City, Negros Occidental  nitong Miyerkules ng gabi.

 Kinilala ang suspek na si  Arlene Arnaiz, 26 anyos, dalaga at residente ng Purok Tilapia, Brgy. 3.

Bago ang operasyon ay isinailalim sa masusing surveillance operation ang nasabing lady drug pusher na kabilang sa HVT sa lalawigan at nang makumpirmang positibo ang impormasyon ay isinagawa  ang  operasyon laban sa suspek hanggang mahuli ito.

 Nakumpiska sa suspek ang isang plastic ice wrapper na naglalaman ng shabu; P3,000 cash  at 270 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.2 M.

 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with