^

Probinsiya

Mag-ama nagpatayan sa tomaan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Mag-ama nagpatayan sa tomaan
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Isagani Futolan, 56-anyos; at anak nito na si Angelo, 30-an-yos, binata; pawang residente ng naturang lugar.
File

MANILA, Philippines — Kapwa patay ang isang mag-ama matapos mauwi sa pana­naga at pamamaril ang kanilang pagtatalo habang nag-iinuman sa Purok Sto. Niño, Brgy. BS Aquino, Norala, South Cotabato, kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Isagani Futolan, 56-anyos; at anak nito na si Angelo, 30-an-yos, binata; pawang residente ng naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Norala PNP, pareho nang lango sa alak ang mag-ama nang biglang magkaroon ng pagtatalo kung saan ay bigla na lamang pinagtataga ni Angelo ang kanyang ama.

Sa kabila ng natamong mga sugat, nagawa pang makuha ng ama ang kanyang paltik na 12 gauge shotgun at dito naman ay kanyang pinaputukan ang kanyang anak na tinamaan sa tiyan.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang mag-ama kung saan idineklarang dead-on-arrival si Isagani habang binawian naman ng buhay habang nilalapatan ng lunas si Angelo.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang itak at 12 gauge shot gun na ginamit sa krimen.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with