^

Probinsiya

Minero kinatay ng 3 kabaro

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI, Albay, Philippines — Nasawi noon din ang isang 36-anyos na minero matapos abangan at pagtulungang pagtatagain ng tatlong kasamahang minero habang pauwi sa Brgy. Balete sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi.

Hindi na nagawa pang isugod sa ospital ng mga residente makaraang nasawi agad dahil sa malalalim na sugat sa katawan ang biktimang si Salvador Cantoria Espaldon, residente ng Brgy. Luy-a.

Tinutugis na ng mga pulis ang tumakas na mga suspek na si Richard Cabug, 30-anyos, Roberto Emaas, 27-anyos, at isa pang hindi nakilalang lalaki. Sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi, naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang salubungin ng naka-abang na mga suspek na armado ng itak at sa hindi pa malamang dahilan ay pinagtulungang pagtatagain.

Agad namatay ang biktima dahil sa mga tama ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Patuloy sa ginagawang imbestigasyon sa posibleng motibo habang isinampa na ang kasong murder laban sa mga suspek.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with