Nabatid na nakakubli ang kable ng kuryente sa mga sanga ng punong pinuputol ni Gom-uyen na nasa loob ng bakuran ng gurong si Elena Ato, 56, dakong 3:35 ng hapon.
STAR/File
Graduating student pinaglinis ng prof, patay!
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Hindi na makakapagmartsa sa pagtatapos sa kolehiyo ang isang 20-anyos na BS Forestry student matapos mangisay nang aksidenteng mataga ang linya ng kuryente makaraang paglinisin ng kanyang professor sa baku-ran nito sa Brgy Raois, Vigan City, Ilocos Sur noong Sabado. 

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Benedict Gom-uyen ng Ilocos Sur Polytechnic College sa bayan ng Sta. Maria.

Nabatid na nakakubli ang kable ng kuryente sa mga sanga ng punong pinuputol ni Gom-uyen na nasa loob ng bakuran ng gurong si Elena Ato, 56, dakong 3:35 ng hapon.

Bukod sa nangisay sa lakas ng boltaheng kumapit sa kanyang katawan ay nahulog pa sa puno ang gra-duating student na nauna ang ulo sanhi ng tinamong matinding pinsala.

Sinikap dalhin ng mga sumaklolo si Gom-uyen sa Ilocos Sur Gabriela Silang General Hospital subalit idineklara na siyang patay ng mga doktor.

Pinag-aaralan ng awtoridad ang responsibilidad ng guro sa pangyayari upang matukoy ang kanyang pananagutan sa batas.

GRADUATING STUDENT PATAY PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with