Ang biktima na kinilalang si Tagudin, Ilocos Sur Judge Mario Anacleto Bañez, 54 anyos ay idi­nek­larang dead-on-arrival sa Bethany Hospital sa San Fernando City san­hi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
File
Judge itinumba ng tandem
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang hukom maka­raang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem habang lulan ng kotse at bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. Mameltac, San Fernando City, La Union nitong Martes ng hapon.

Ang biktima na kinilalang si Tagudin, Ilocos Sur Judge Mario Anacleto Bañez, 54 anyos ay idi­nek­larang dead-on-arrival sa Bethany Hospital sa San Fernando City san­hi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 Sa imbestigasyon, alas-5:40 ng hapon habang lulan ng kanyang kulay itim na Hyundai Accent (ACL-1508) pauwi na sa kanilang tahanan nang buntutan at dikitan ng dalawang magkaangkas na lalaki. Ilang saglit pa ay biglang bumunot ng armas ang backrider saka walang sabi-sabing pinagbabaril nang malapitan ang hukom saka sila tumakas.

Nagawa pang maisugod sa paga­mutan ang nasabing huwes pero na-bigo nang maisalba ang buhay nito.

Bago ang krimen, nakatanggap  umano ng death threats ang biktima. 

Pinaniniwalaang may kinala-  man sa mga desisyon sa mga sensi­tibong kasong hinawakan ng biktima ang motibo ng krimen.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with