Traffic enforcer inutas sa bahay

GAPAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Isang traffic enfor­cer ang nasawi matapos na pagbabarilin ng isang lalaki sa kanyang bahay sa Sitio Bagong Barrio, Barangay Pambuan, dito, noong Lunes ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Col. Cri­selda de Guzman, hepe ng pu­lisya rito, ang nasawing biktima na si Alexander Reyes, nasa hustong gulang, may-asawa.

 Positibo namang natukoy ng mga saksi ang suspek na si Ireneo Alfaro alyas “Doy”, ng Brgy. San Vicente ng nasabi ring lungsod.

Sa imbestigasyon, galing­ umano ang biktima sa ka­tatapos lang na flag raising ceremony sa Gapan City Hall, bandang alas-9 ng umaga nang magpasyang umuwi ng kanilang bahay at magpalit ng damit. Ilang saglit matapos makapagbihis ang biktima, dumating umano ang suspek sakay ng kulay pulang motorsiklo at agad na pinagbabaril ang biktima saka tumakas. 

Dinala naman sa Good Samaritan Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival ng sumuring doktor.

Tinitingnan kung may kinalaman sa kanyang trabaho ang pamamaslang sa biktima.

Show comments