Multicab sumalpok sa poste: 2 patay
Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

CAVITE , Philippines — Dalawang obrero na sakay ng isang multicab ang patay habang kritikal ang kanilang driver makaraang sumalpok ang kanilang sasakyan sa konkretong poste sa gilid ng kalsada kamakalawa ng gabi sa Aguinaldo Highway, Brgy. Biga 2, Silang, dito. 

Kinilala ni P/Col. Resty Soriano, hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang mga biktima na kapwa dead-on-the-spot na sina Christian Quising, 27, at Hermis Bisco, 24, kapwa construction worker ng Brgy. Biga 2, Silang habang kritikal sa pagamutan ang kasamang driver na si Eric Piñero, 28, helper ng Tibayan’s Compound, Brgy. Biga 2, Silang, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:30 ng gabi habang sakay at magkakatabi sa unahang bahagi ng isang Suzuki Multicab (EEA-6310) ang mga biktima at bumabagtas sa nasa­bing lugar nang mapadaan sa pakurbang kalsada hanggang dito na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver bunsod sa bilis ng takbo at tulu­­y-tuloy na sumalpok sa konkretong poste na nasa gilid ng highway.

Tumilapon palabas ang isa sa mga biktima habang naipit ang driver at isa pa sa loob ng sasakyan na nayupi sa tindi ng pagkakasalpok.

MULTICAB PATAY SALPOK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with