Lolo nalibing sa balon, 2 kaanak grabe

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan Phillipines — Nalibing nang buhay ang isang 61-anyos na lolo habang agaw buhay na naisalba ang dalawa niyang kasamahan matapos bumigay ang lupa sa 10 talampakang lalim na hinuhukay nilang balon sa Brgy. Bani, Sta. Lucia, Ilocos Sur kamakalawa. 

Sa report na nakarating kay Captain Leonilo Ancheta, hepe ng Sta. Lucia Police, nagsagawa ng matinding paghuhukay ang mga emergecy responders upang maiahon sa hukay sina Pedrito Bal-ut Sr., 61-anyos at mga kaanak na sina Peejay Bal-ut at Alvin Togupen, dakong alas-5:30 ng hapon.

Nang marekober ang kanilang mga katawan, agad silang isinugod sa Ilocos Sur District Hospital subalit sa kasawiang palad ay idineklarang dead-on-arrival ang nakatatandang Bal-ut.

Show comments