2 tulak tiklo sa P.16 milyong droga

ANGELES CITY, Philippines — Naaresto ang dalawang hinihinalang sangkot sa pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga na nasa P168,000 matapos ang isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga operatiba ng Angeles City Drug Enforcement Unit (ACPDEU) at Police Station-4 sa Josefa Subdivision, Brgy. Malabanias at New York Street, Brgy. Anunas sa lungsod na ito, Biyernes ng gabi.

Sa ulat sa tanggapan ni DEU Commander P/Capt. Joven Rodriguez, kinilala ang mga suspek na sina Alvin Licup, 30, binata, vendor ng Lourdes North West at Gabriel Angelo Carinio, 23, ng Brgy. Anunas. 

Nasamsam sa mga suspek ang humigit kumulang sa 10 gramo ng hinihinalang shabu, 2 kilong pinatuyong dahon ng marijuana at marked money na ginamit sa operasyon. Sinampahan na ang dalawa ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments