6 ‘most wanted’, 16 pang ‘tulak’ natimbog
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Bulacan Police at Provincial Mobile Force Company ang anim na “most wanted persons” sa magkakahiwaly na ope­rasyon ng mga otoridad sa pagpapatuloy ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) kasabay ng pagkakaaresto pa sa 16 na umano’y tulak ng droga sa buy-bust operation sa lalawigan kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan Police director ang mga most wanted persons na sina Mario Salas, 54, na naaresto sa Brgy. Poblacion, Pandi, Bulacan sa kasong statutory rape; Raymark Hermogenes, 29; ang No. 1 most wanted sa Meycauayan na si Julius Esteban, 24-anyos na nadakip sa Brgy. Iba, Meycauayan dahil sa kasong consented abduction with rape na walang inirekomendang piyansa; sina Joy Bautista, 50, na natimbog sa Brgy. Camalig; at Michael Espiritu, 36, na nadakip sa Pulong Buhangin at pawang may kasong pagtutulak ng droga at isang Angelo Tubal, 23, na nalambat sa kasong theft sa Brgy. Bangkal, Meycauayan.

Samantala, 16 na “tulak” ang magkakahiwalay na naaresto sa Obando, Pandi, San Rafael, Meycauayan, Pulilan, Calumpit at Plaridel kahapon ng madaling araw.

ILLEGAL DRUGS SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with