Sa report na nakarating kay City Chief of Police Lt. Colonel Gerald Gamboa, nag-aabang ng traysikel pauwi ang biktimang si Dennis Balmores at nobyang si Princess Pineda matapos makipag-inuman sa isang restaurant nang biglang dumating ang suspek na si Jeffrey Santos, 27-anyos na dating kinakasama ng nasabing babae at agad na kinompronta ang dalawa.
File
Mister kinatay ng karibal sa selos!
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang 23-anyos na mister matapos siyang tadtarin ng saksak ng dating live-in partner ng kanyang nobya dahil sa matinding pagseselos sa Barangay District 3, Cauayan City, Isabela noong Sabado ng gabi.

Sa report na nakarating kay City Chief of Police Lt. Colonel Gerald Gamboa, nag-aabang ng traysikel pauwi ang biktimang si Dennis Balmores at nobyang si Princess Pineda matapos makipag-inuman sa isang restaurant nang biglang dumating ang suspek na si Jeffrey Santos, 27-anyos na dating kinakasama ng nasabing babae at agad na kinompronta ang dalawa.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng magkaribal na sina Balmo­res at Santos na nauwi ang kanilang banga­yan at matinding suntukan hanggang sa bumunot ng patalim ang huli at pinagsasaksak ang una sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa harap ng nagsisisigaw na si Pineda.

Nang duguang bumagsak si Balmo­res, tumakas si Santos sakay ng kanyang motorsiklo habang isinugod ang una ng kanyang nobya sa isang pribadong hospital kung saan siya idineklarang patay.

KINATAY SELOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with