Bading tiklo sa P.1 milyong shabu

CAVITE, Philippines — Nasa P.1 mil­yong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Dasmariñas City Police sa isang bading na umano’y tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. H2, Dasmariñas City kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng pulisya dito, ang suspek na si Joshua Solomon alyas “Bading”, 36-anyos ng Brgy. Talon 4, Las Piñas City at nasa watchlist ng pulisya. Sa ulat, alas-8:10 ng gabi kasama ang ilang miyembro ng PDEA-IV ay isinagawa ang buy-bust. Nang magpostibo ang transaksyon, dito na dinakma ang suspek ng mga pulis. Narekober sa suspek ang mahigit 14 gramo ng shabu na aabot sa halagang P100,000 at marked money na ginamit sa transaksyon.

Show comments