Traffic enforcer sinagasaan nang sinitang truck driver, lasog

Sa ulat buhat sa tanggapan ni San Fernado Police Station Commander P/Lt. Col. Paul Gamido, kinilala ang biktimang si Mark Jun Rodriguez, 31, miyembro ng Traffic Management Unit at residen-te sa Phase 1, Villa Barosa, Brgy. Dolores sa lungsod.
File

Pampanga, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang 31-anyos na traffic enfor­cer matapos banggain nang sinitang driver ng 10-wheeler truck sa Jose Abad Santos Ave­nue Road lungsod ng  San Fernando Pampanga, Miyer­kules ng umaga.

Sa ulat buhat sa tanggapan ni San Fernado Police Station Commander P/Lt. Col. Paul Gamido, kinilala ang biktimang si Mark Jun Rodriguez, 31, miyembro ng Traffic Management  Unit at residen-te sa Phase 1, Villa Barosa, Brgy. Dolores sa lungsod.

Kinilala naman ang bumanggang driver ng truck na si Johnny Cole, 55, ng Rotonda St., Culdesac, Sun Valley, Parañaque City.

Pasado alas-9:30 ng umaga nang namataan ng biktima ang truck (ACN-1361) na galing sa Subic patungong Laguna na luma­bag sa batas trapiko nang dumaan sa Lazatin Flyover.

Sinita ito ng biktima su-balit hindi huminto kaya’t hinabol ng una lulan sa kan­yang motorsiklo nang makaabot sa bahagi ng  Southbound Toll Exit sa North Luzon Expressway patungong Manila sadyang binangga umano ito ng driver ng truck, ayon sa mga nakasaksi na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Agad namang sumuko ang driver ng truck na naha­harap sa kasong murder.  

Show comments