11-anyos ni-rape ng ama at pinsan
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 3, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Doble ang sinapit na pang-aabuso ng isang 11-anyos na nene matapos na salitan siyang gahasain ng sariling ama at kanyang binatilyong pinsan sa Sto. Niño, Cagayan kamakalawa. Sa report,  isinailalim sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang biktimang itinago sa pangalang Remedios matapos humingi ng tulong sa awtoridad ang lola nito na nakabatid sa nangyaring kahalayan. Ayon kay Remedios, una siyang ginahasa ng 16-anyos na pinsan noong 2017 at sinimulan din siyang utusang makipagtalik sa sariling ama noong 2018. Ayon sa bata, relyebo ang dalawang manyak na ka-pamilya sa panghahalay sa kanya at walang puknat tuwing Sabado na walang pasok sa paaralan. Nabatid na nasa ibang bansa ang ina ni Remedios na namamasukan bilang overseas Filipino worker (OFW).  Sinampahan na ng kasong kriminal ng biktima ang sariling ama at pinsan sa Provincial Prosecutor’s Office sa Tuao, Cagayan.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with