^

Probinsiya

103 baboy na may ASF ibinaon

Cesar Ramirez - Pilipino Star Ngayon
103 baboy na may ASF ibinaon
Ang ginawang pagpatay at paglibing sa mga alagang baboy sa 1-kilometer radius ay ginawa ang pagsasanib puwersa ng pamahalaang lalawigan, lokal na pamahalaan ng Mapandan, kasama ang Department of Agriculture (DA) at iba pang ahensiya ng pamahalaan alinsunod sa 1-7-10 protocol ng DA upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit na African Swine Fever (ASF).
Miguel de Guzman/File

MAPANDAN, Pangasinan, Philippines – Nagsagawa ang mga awtoridad ng pag-depopulate ng mahigit sa 100 baboy sa loob ng 1-kilometer radius sa Brgy. Baloling, dito kamakalawa ng hapon.

Ang ginawang pagpatay at paglibing sa mga alagang baboy sa 1-kilometer radius ay ginawa ang pagsasanib puwersa ng pamahalaang lalawigan, lokal na pamahalaan ng Mapandan, kasama ang Department of Agriculture (DA) at iba pang ahensiya ng pamahalaan alinsunod sa 1-7-10 protocol ng DA upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit na African Swine Fever (ASF).

Sinabi ni Dr. Jovito Tabarejos, assistant provincial veterinarian, na base sa kanilang inventory, may 103 baboy mula sa naturang lugar ang inihiwalay, kinatay at inili­bing kamakalawa.

Ayon kay Tabajeros, sa 7-kilometer radius naman ay magsasagawa ng monito­ring, surveillance at pagkuha ng blood samples ng mga baboy upang masuri at malaman kung may ASF o wala at sa 10-kilometer radius ay puwedeng ilabas ang baboy kung mayroon itong certification.

Sinabi ni Tabajeros, hindi kumalat ang sakit na ASF dahil walang mga nagkasakit sa mga alagang baboy sa lugar at ang mga nakitaan lamang ng sakit ay ang mga baboy na dinala sa Brgy. Baloling mula sa Bulacan.

Ipinaliwanag din ni Dr. Jhonabeth Pajarillaga, regional veterinary quarantine officer ng Bureau of Animal Industry, na ang culling sa mga baboy sa 1-kilometer radius mula sa “ground zero” ay ang “first defense” laban sa sakit na ASF. Aniya, walang outbreak ng ASF sa Pangasinan dahil hindi nagmula sa lalawigan ang mga baboy na nagpositibo sa ASF kundi sa Bulacan na dinala ng tiwaling mga hog traders.

 

vuukle comment

ASF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with