Kapitan niratrat, todas

TIAONG, Quezon , Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang incumbent barangay captain ng Barangay Behia ng bayang ito habang nakatayo sa harapan ng bahay ng kanyang kaibigan sa Sitio Silangan ng nasabing barangay kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan si Ilde­fonso Belda, 55, may asawa at residente ng Sitio Pugad, Barangay Behia.

Mabilis na tumakas ang salarin matapos isagawa ang krimen at tugis na ng mga awtoridad kasabay ng pagkalap ng impormasyon kung ano ang motibo sa pamamamaslang.

 

Show comments