7 firm na lumabag sa tax code ipinasara
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Pitong commercial establishment ang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue o BIR number 18 sa iba’t ibang mga lugar sa Rehiyon 12 nitong mga nakaraang araw.

Kabilang sa mga ipinasara ng BIR dahil sa paglabag sa tax code ang isang sangay ng TLG Shoppers sa Tacurong City, Sultan Kudarat; TLG Shoppers Mart (Gensan); SMH Enterprises; Alexus Enterprise sa General Santos City; HYD Enterprises at DNY Enterprises sa Koronadal City na pawang  engaged sa general merchandise.

Ayon kay Revenue District 109 Officer Samer Muti, nilabag umano ng nasabing mga establisyimento ang tax code 115 kung saan mahigit sa 30% ng kanilang mga sales ay hindi deklarado bukod sa hindi nag-iisyu ng resibo at hindi pagpaparehistro na VAT taxpa-yers.

TAX CODE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with