Sa kabila nito, hinupa ng isang opisyal ang takot sa paglaganap ng African Swine Fever (ASF) sa Cagayan Valley matapos ang pagkakadiskubre ng 13 patay na biik na dugyot na itinapon umano sa bakanteng lote sa bayan ng Bambang, Nueva Viscaya kamakalawa matapos ipamigay sa mga lasing.
File
13 patay na biik, pinamigay sa mga senglot sa Nueva Vizcaya
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Nasa 13 biik na nanga­matay ang ipinamigay sa mga lasenggo at itinapon sa bakanteng lote sa Nueva Vizcaya.

Sa kabila nito, hinupa ng isang opisyal ang takot sa paglaganap ng African Swine Fever (ASF) sa Cagayan Valley matapos ang pagkakadiskubre ng 13 patay na biik na dugyot na itinapon umano sa bakanteng lote sa bayan ng Bambang, Nueva Viscaya kamakalawa matapos ipamigay sa mga lasing. 

Inamin ni Dr. Robert Busania, Regional Technical Director for operations ng Department of Agriculture na wala sa ayos ang ginawang disposal ng may-ari ng mga baboy matapos ipamigay ang mga patay na biik sa grupo ng mga lasing na lalaki.

Sinabi ni Busania na namatay din ang inahin ng mga biik pero hindi dahil sa ASF kundi sa panganganak.

Sinasabing tumanggi nang gawing pulutan ng mga lasing ang mga patay sa biik matapos silang mahimasmasan sa masansang na amoy nito.

Kasalukuyang suliranin ng DA ang kagawiang dugyot ng ilang hog raisers sa Luzon sa pagtatapon ng mga patay nilang alaga.

AFRICAN SWINE FEVER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with