P4.3 milyong shabu samsam sa bigtime pusher

Kinilala ni P/Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng pulisya sa lungsod, ang suspek na si Ally Guro alyas “Ali”, 33-an-yos, nasa drug watchlist ng pulisya, tubong Marawi City at residente ng B5 L20 P1, The Island Camella, Brgy. Paliparan 2, nasabing lungsod.
File

CAVITE, Philippines — Umabot sa P4.3 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Dasmariñas Police, PDEA at Cavite-PIB sa isang malaking drug bust na ikinasa laban sa bigtime na tulak ng Dasmariñas City kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng pulisya sa lungsod, ang suspek na si Ally Guro alyas “Ali”, 33-an-yos, nasa drug watchlist ng pulisya, tubong Marawi City at  residente ng  B5 L20 P1, The Island Camella, Brgy. Paliparan 2, nasabing lungsod.

Sa ulat, matapos ang ilang araw na surveillance laban sa suspek, ikinasa ng mga awtoridad ang operasyon dakong ala-1:00 ng madaling araw sa Brgy. Paliparan 2.

Isang ahente ng PDEA ang nagsilbing poseur buyer na naki-pag-transact sa suspek sa halagang P25,000 at nang magkasundo ay inilatag ang buy-bust.

Habang nagkakaa­butan ng droga at ba-yad, sumenyas ang buyer at dito na pinalibutan ang suspek. Hindi na nakapalag ang suspek at nakuha sa kanya ang may 550 gramo ng shabu na nag­kakahalaga ng P4.3 milyon na nakatakda rin sana nitong i-deliver sa isa pa niyang kliyente.

Show comments