3 ‘pusher’ huli sa P13.6 milyong droga

MANILA, Philippines – Tatlong hinihinalang “tulak” ng ipinagbabawal na droga ang nalambat ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos masamsaman ng P13.6 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust sa Imus City, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Atty. George Paul Alcovindas, officer-in-charge ng PDEA-NCR ang mga suspek na sina  Paul Angelo Lee Castro, 30; Jesse James Palenzuela, 29, at Gina Carim Abdul, 45-anyos.

Ang tatlo ay naaresto dakong alas-4:30 ng hapon sa Emilio Aguinaldo Highway, Anabu II-C, Imus City, Cavite.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang transparent plastic packs na naglalaman ng dalawang kilo ng shabu na may presyong P13.6 milyon.

Kasong paglabag sa Section 5 at 26 ng Article II ng R.A. 9165 ang kinakaharap ng mga suspek.

 

Show comments