Wanted na lider ng BIFF nadakma

MANILA, Philippines — Nadakip na ng mga otoridad ang isa umano sa mga lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na nahaharap sa patung-patong na kaso ng Illegal Possession of Explosives, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, murder, attempted murder at frustrated murder habang nagpapagamot sa isang ospital sa Cotabato City, nitong Huwebes.

Nakilala ang naarestong suspek na si Madrox Masgal alias “Kumander Madrox”, 43-anyos na gumagamit din ng mga alyas na Samad Madro Kambali Balanting, Madrox Masgal at Samal Masgal.

Si Masgal umano ang itinuturong utak sa pagbaril at pagpatay sa isang kagawad ng Barangay Mudseng, Midsayap, North Cotabato nitong Lunes ng gabi sa Cotabato City.

Sinabi ni Cotabato City Police Spokesperson P/Major Roel Zafra, nahuli si Masgal pasado alas-9 ng umaga habang nagpapagamot sa opsital matapos tamaan sa kaliwang kamay sa pagsabog ng M-203 grenade sa isa sa mga operasyon ng militar sa Maguindanao. Ang pag-aresto ng mga pulis at PDEA BARMM agents sa suspek ay base sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 28 noon pang Disyembre 29, 2017.

Show comments