Binata todas sa rambol
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang 20-anyos na binata habang malubhang nasugatan ang kaibigan nito matapos na mauwi sa rambulan ang masaya sanang inuman nilang magbabarkada sa Zone 4, Molugan, El Salvador City, Misamis Oriental, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Romiel Pudadera, na idineklarang dead-on-arrival sa ospital habang kritikal ang kaibigang si John Glen.

Agad namang nadakip ng mga pulis ang nakasaksak na si John Vincent Palma, 18, residente ng nasabing lugar.

Sa ulat kay El Salvador City Police Station commander P/Lt. Col. Randy Anito, alas-6:15 kagabi habang nag-iinuman ang limang magbabarkada kasama ang mga biktima at suspek nang magkulitan at mag-away-away hanggang sa mauwi sa rambol.

Depensa ng suspek, pinagtulungan umano siyang banatan ng mga kabarkada at ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili kaya nasaksak niya ang dalawang biktima.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with