P5 milyong shabu samsam, 4 huli
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2019 - 12:00am

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga – Arestado ang apat na high value target at tinaguriang notoryus na drug peddlers matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Regional Drug Enforcement Group, Regional Intelligence Division 3, at Regional Mobile Force Battalion 302nd Maneuver sa Brgy. Sindalan, lungsod ng San Fernando noong Linggo ng umaga.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Police Regional Director P/Brig. Gen Napoleon Coronel, kinilala ang mga suspek na sina Acmali Francisco alias “Balbas”, Mohammer Haji Ganda, Jalal Maulag, mga residente ng Brgy. Sangandaan, Quezon City at Michael Evance Villacorta alias “Kim”, residente ng Brgy. San Isidro, San Fernando City.

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 810 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P5-milyon, isang cal.45 baril at mga bala, isang Nokia cellphone, isang Nissan Exalta, isang Toyota Vios at marked money.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with