^

Probinsiya

Colonel, tauhan malubha sa ambush

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang pulis ang nasugatan makaraang tambangan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa liblib na lugar sa Brgy. Igasan, Patikul, Sulu nitong Lunes ng umaga.

 Kinilala ang mga biktima na sina P/Colonel Angelo Canapi at Patrolman Nijar Awwalon; pawang miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Sulu Police Provincial Office.

Si Canapi ay nagtamo ng tama ng bala sa kanang braso habang nasa kritikal namang kondisyon si Awwalon na tinamaan ng bala sa ulo.

 Sinabi ni PNP Spokesman Brig Gen. Bernard Banac, dakong alas -7:45 ng umaga, kasalukuyang nagsasagawa ng route security ang mga biktima para sa mga car-pooled na guro ng Department of Education (DepEd) na nakatalaga sa silangang bahagi ng Sulu nang mangyari ang insidente. Bigla na lamang pinaulanan ng bala ng mga armadong bandido ang mga pulis pagsapit nila sa nasabing lugar.

Ang mga biktima ay mabilis na isinugod sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) bago inilipat sa Trauma Ward ng Kuta Heneral Teodulfo Bautista (KHTB) Station Hospital sa Brgy. Busbus, Jolo.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with