^

Probinsiya

2 patay, 7 nasaktan sa road mishap

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Dalawa ang kumpirmadong patay at pito ang malubhang nasugatan sa road accident sa magkahiwalay na bayan sa lalawigan ng Quezon kamakalawa.

Batay sa ulat, ang unang aksidente ay nangyari sa provincial road ng Barangay Camaysa, Tayabas City dakong alas-3:10 ng hapon. Minamaneho ni Randy Malate ng Brgy. Gulang-gulang, Lucena City ang passenger jeepney (DWM-414) nang matanggal ang kaliwang unahang gulong nito na naging sanhi upang magpaekis-ekis ang takbo at bumangga sa kasalubong na jeepney na minamaneho ni Allan Catuera ng Barangay Dapdap. 

Dumiretso pa sa palayan ang jeep ni Malate sanhi upang magtamo siya ng grabeng pinsala sa ulo at kinalaunan ay namatay ang pasaherong asawang si Ederly Malate at ikinasugat ng iba pa na sina Lanie Actug, Jean Alysa Malate, 10; Monica Zubieta at Nico Elarco, 8.

Samantala, dahil sa pagmamaneho nang la­sing ay bumangga sa puno ng Narra sa Brgy. Balay-balay, Mauban, dakong alas-5:30 ng hapon ang motorsiklo ng 17-anyos na si John Arthur na kanyang ikinasawi at malubhang ikinasugat ng mga angkas na sina Maria Renneth Diaz at Chris Matthew Eranista.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with