Karambola ng 3 sasakyan: Rider dedo

CAVITE, Philippines — Humagis mula sa kanyang minamanehong motorsiklo ang rider at lumagapak sa kalsada na kanyang ikinasawi matapos magkarambola ang sinasakyan nito, isang Isuzu Elf Aluminum at Rebuilt Elf Dropside kamakalawa sa kahabaan ng  Gov. Drive Brgy. Manggahan, Gen. Trias City. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marlondhen Gomez Jr., 21-anyos, ng B25 L11 Holiday Homes Brgy. Biclatan, Gen Trias City, Cavite. Hawak na ng pulisya ang dalawang driver na sangkot sa karambola na sina Gilbert Marquina, 46, ng Brgy. Alingaro, Gen Trias City at Randy Tampuco Esploa, 43, ng  B22 L27 Tierra Nevada, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City. Sa ulat, alas-2:20 ng hapon sakay ang biktima ng kanyang Kawasaki motorcycle at bumabagtas sa nasabing lugar nang masalpok ito ng Isuzu Elf (UVQ 207) na minamaneho ni Espeloa sanhi upang sumalpok din ang Elf Dropside ng isa pang suspek dahilan upang tumilapon ang biktima sa halos ilalim ng dropside.

 

Show comments