^

Probinsiya

1-anyos nahakot ng payloader, patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Masaklap ang si­na­pit na kamatayan ng isang 1-anyos na batang lalaki makaraang aksidenteng mahakot ng bucket o talim ng isang payloader sa isang construction site sa La Paz, Iloilo, ayon sa ulat nitong Biyernes.

Sa inisyal na ulat ng Iloilo Police, kinilala ang biktima na isang alyas Nonoy, naninirahan malapit sa contructions site.

Sa imbestigasyon, bandang alas-10 ng umaga habang nagla-laro ang bata sa cons­truction site nang hindi mapansin ng payloader operator at madaklot ito sa talim ng heavy equipment na pambungkal at panghakot ng lupa at buhangin.

Hindi umano namalayan ng payloader operator na napasama sa nahakot ng matalim na bucket ng payloader ang bata kung hindi pa nagsisigaw ang isang residente na nakasaksi sa insidente.

Sa pahayag naman ng ina ng bata sa mga awtoridad, hindi niya namalayan na nakalabas ng bahay ang malikot na anak na nagtungo sa construction site at naglaro rito.

Ang biktima ay nagtamo ng malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay idineklarang dead-on-arrival.

Nangako naman ang may-ari ng cons­truction company na sasagutin ang pagpa­pali­bing sa biktima.

vuukle comment

PAYLOADER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with