4 arestado sa P3.4-M shabu

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —   Aabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nakuha sa apat na umano’y notoryus na tulak ng droga matapos na maaresto sa ginawang buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sto. Domingo St., Brgy. San Juan, Gainza, Camarines Sur noong Martes ng gabi.

Sinampahan na ng kaso ang mga suspek na kinilalang sina Joseph Glen Candido, ng Brgy.San Francisco, Camaligan; Christopher Pagal, ng Queborac St., Naga City; Stevan De Luna, ng Goa at Diana Hubilla, ng bayan ng Pasacao.

Sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi sa tulong ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-5, 9th Infantry Division, Philippine Army at Gainza Municipal Police, inilatag ng PDEA-5 sa pangunguna nina Agent Vidal Bacolod at Joyiann Ivy Cedo ang buy-bust laban sa mga suspek. Nakuha mula sa mga suspek ang apat na malalaking sachet ng shabu na nasa 500 gramo na nasa P3.4 milyong halaga, isang Nissan Urvan UV Express, isang motorsiklo at mga drug paraphernalia.

Show comments