No. 1 most wanted sa Isabela timbog

Kinilala ni P/Capt. Mario Disipulo, hepe ng Reina Mercedes Police ang nadakip na si Melanio dela Cruz, 55, ng Brgy. Matusalem Roxas, Isabela.

SANTIAGO CITY, Isabela  , Philippines  —  Isang tinaguriang “top most wanted person” sa buong Isabela ang nahulog sa kamay ng pulisya matapos maaresto dahil sa patung-patong na kaso ng pagpatay sa isinagawang operasyon kamakalawa.

Kinilala ni P/Capt. Mario Disipulo, hepe ng Reina Mercedes Police ang nadakip na si Melanio dela Cruz, 55, ng Brgy. Matusalem Roxas, Isabela.

Si dela Cruz ay hindi na nakapalag nang arestuhin ng mga operatiba dahil sa bisa ng iba’t ibang warrant of arrest na inisyu ng mga korte matapos na mamataan sa pinagtataguan nito sa Brgy. Banquero, Reina, Mercedes, Isabela.

Kabilang sa mga warrant of arrests na hawak ng mga operatiba ay ang dalawang kaso ng murder na ipinalabas ni Judge Isaac de Alban ng RTC-Branch 16 sa Ilagan City; kasong pagpatay na inisyu ni Judge Bernabe  Mendoza ng RTC Branch 23  ng Roxas, Isabela at isa pa sa sala ni Judge  Bonifacio  Ong ng RTC Branch 24 ng Echague, Isabela dahil din sa kasong murder.

Walang inirekomendang piyansa ang mga hukom para sa pansamantalang kalayaan ng nasabing nadakip na akusado.

Show comments