Lider ng NPA timbog sa raid
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Arestado ang isang senior citizen na lalaki na sinasabing mataas na lider ng New People’s Army (NPA) matapos ikasa ng PNP ang operasyon sa Sitio Natipakan, Brgy. Latagan, bayan ng Matalam.

Kinilala ang naaresto na si John Rudy Embodo Antiola “alyas Julie Alon”, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat ng Matalam Police, alas-6:30 ng umaga nitong Linggo nang mahuli ang suspek nang isilbi ng pulisya ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Jose Tabaosares, ng RTC Branch 23, Kidapawan City na may petsang August 11, 2017 sa kasong “direct assault upon an agent of a person in authority with frustrated murder”.

Nakuha mula sa suspek ang isang caliber 45 pistol, isang magazine, isang improvised explosive device o IED at isang hand grenade.

NEW PEOPLE’S ARMY RAID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with