3 drug peddler huli sa buy-bust

ANGELES CITY, Philippines –Kalaboso ang tatlong hinihinalang drug peddler matapos mahulihan ng droga sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Lourdes Northwest at Brgy. Malabanias ng lungsod, Martes ng hapon. Sa ulat sa tanggapan ni P/Major Fercel Deloria, Police Station 2 commander, kinilala ang suspek na si Joean Lim, 36; taga Lourdes Northwest; Wilfredo Gundran, 35, residente ng Doña Paz, Brgy. Pulong Maragul at Jay Casenias, 32, ng Sitio Santol, Barangay Malabanias; pawang sa Angeles City. Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at nang magkaabutan ng droga at buy-bust money ay agad na pinosasan ang mga  suspek. Nasam­sam sa mga suspek ang 10 plastic sachet ng shabu at marked money.

Show comments