State of calamity idineklara sa South Cotabato

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa “state of calamity” ang buong lalawigan ng South Cotabato matapos aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan sa special session ang isang resolusyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC dahil sa “dengue outbreak” sa lalawigan.

Sa datos ng PDRRMC, umakyat na sa 3,348 ang kaso ng dengue sa probinsya, tumaas ito ng 149% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Sa tala, 21 na ang binawian ng buhay sa lalawigan mula Enero 1-Hulyo 13.

Ayon kay Provincial Administrator Atty. Renette Bergado, OIC ng PDRRMO, gagamitin ang first at second quarter disaster quick response fund na P31 millyon ngayong taon para sa pagbili ng fogging at misting machine, chemicals para sa gagawing massive information education campaign, at sa mga pagbili ng NS1 kit para sa early detection at blood platelet separator.

Show comments