^

Probinsiya

Rider salpok sa warning sign, dedo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Isang 17-anyos na rider ang nasawi habang sugatan ang angkas nito matapos sumalpok sa isang warning sign ang kanyang minamanehong motorsiklo at diretsong nahulog sa ginagawang Basud Bridge sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Purok-1, Brgy. San Rafael sa bayan ng Guinobatan, Albay, kamakalawa ng hatinggabi.

Hindi na umabot pang buhay sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital sa Ligao City ang biktimang si Ryan Silvestre, residente ng Sitio Sagaysay, Brgy. Maguiron habang sugatan naman ang angkas na si Clark Realo, 18-anyos.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:00 ng hatinggabi, mabilis na binabaybay ng motorsiklo (EQ-7713) ng mga biktima ang kahabaan ng highway nang mabangga nito ang war-ning sign ng ginagawang tulay at nahulog sa ilalim na may 30-talampakan ang taas.

Isinugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklarang patay si Silvestre habang agad namang nilapatan ng lunas si Realo.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with