^

Probinsiya

Kuya dedo sa hataw ng bareta ni utol

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Basag ang ulo ng isang isang 45-anyos na mister matapos hatawin sa ulo ng bareta ng nakababatang kapatid sa birthday party ng kanilang kapatid na babae sa Brgy. Gangao, Baleno, Masbate kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Rey Palacio Rapsing habang naaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si Gerald Palacio Rapsing, 36-anyos, pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon habang masayang ipinagdiriwang ang kaarawan ng kanilang kapatid na babae na si Margie Rapsing nang dumating ang biktima na lasing.

Sa hindi malamang da­hilan ay nagkaroon ng pag­tatalo ang magkapatid hanggang nakitang kumuha ng bareta na ginagamit sa panghukay ang suspek at hinataw ang nakatatandang Rapsing sa ulo.

Sa lakas nang pagkakahataw ay nabasag ang bungo nito at agad na nasawi.

Sinubukan pang dalhin ang biktima sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

BARETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with