Drug den ni-raid: Aussie, 6 pa huli

PAMPANGA, Philippines — Sinalakay ng Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) at Phl Air Force Intelligence Security Group ang isa umanong drug den na ikinaaresto ng pito katao kabilang ang isang Australian national sa South Daang Bakal, Mabalacat City noong Huwebes ng gabi. 

Sa ulat ni Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 Director Gil Pabilona, kinilala ang mga suspek na sina George Georgeff, 38, Australian; Roque Rosielda, 50, umano’y drug den maintainer; Arnold Padilla, 25; Emmanuel Gaddi, 39; Roland Geraldo, 29; Norman Rivera, 18, at Raddy Tabuso,46; mga residente sa nasabing lugar.

Sa ulat, alas-11:00 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation laban sa mga suspek matapos magpanggap na poseur buyer ang ahente ng PDEA. Nang magkaabutan ng droga at buy-bust money agad na inaresto ang mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang 11 plastic sachet ng shabu na nasa 20 gramo at nagkakahalaga ng P136,000, mga drug paraphernalia at marked money.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 ang kakaharapin ng mga nasabing suspek.

Show comments