2 hepe ng pulisya sinibak!

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang hepe ng pulisya ang sinibak sa puwesto matapos bihagin at disarma­han ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang kani­lang mga tauhan sa hindi naman nila sakop na kagubatan ng Sierra Madre sa Ilagan City, Isabela kamakalawa. Sinabi ni Isabela Police Director Col. Mariano Rodriguez na pinagpapaliwanag sa Police Regional Office (PPO) sina Lt. Col. Nelson Vallejo ng Cauayan City Police at Maj. Richard Gatan ng Cordon Police kung bakit magkakasama ang kanilang mga tauhan na nakasakay sa iisang pickup nang harangin ng may 25 armado sa Brgy. Sindon Bayabo kung saan naunang pinatay ang kawani ng DENR na si Celso Asuncion sa hindi kalayuang anti-llegal logging checkpoint sa Sindon Bayado.
Pinakawalan din kinalaunan ng mga rebelde ang mga pulis na sina P/Corporals Gaudencio Castillo Jr. at Earl Brian Gannaban ng Cauayan City Police at P/Staff Sgt. Fernando Capillian, nakatalaga sa Cordon Police Station na kapwa nahaharap ngayon sa imbestigasyon.

Show comments