^

Probinsiya

Magpinsan nasapol ng kidlat, patay!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Naghanap ng wi-fi signal sa bundok

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Halos masunog ang katawan ng dalawang binatilyong magpinsan matapos tama­an ng kidlat habang gu­ma­ga­mit ng cellphone at wi-fi sa mataas na bahagi ng bundok ng Purok-3, Brgy. Maulawin, Sta. Elena, Camarines Norte noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Jimboy Magsino Lura at Jericho Compra Lura, kapwa 18-anyos.

Sa ulat, dakong alas-2 ng hapon, nagpaalam sa kanyang nanay si Jimboy na aakyat ng bundok malapit sa kanilang bahay para maghanap ng malakas na signal ng mobile data ng kanilang cellphone upang makapaglaro ng Mobile Legend na isang online game.

Pumayag naman ang ina at sumama pa ang kanyang pinsang si Jericho.

Gayunman, habang nasa mataas na bahagi ng bundok at magkatabing guma-gamit ng cellphone at wi-fi ang dalawa ay biglang dumilim ang panahon at kumidlat at tinamaan ang mga biktima.

Agad sinaklolohan ng mga kaanak pero pareho nang patay ang dalawa at nakabulagta hawak ang mga cellphone.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with