^

Probinsiya

Ginang itinumba ng tandem

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

GUIGUINTO, Bulacan  , Philippines  —  Bulagta ang isang ginang na lulan ng SUV matapos na tambangan at barilin ng riding-in-tandem sa kahabaan ng Brgy. Panginay ng nasabing bayan kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Elenita Lanungan, 48, may asawa ng Camella Homes Barangay Panginay, Guiguinto, Bulacan. 

Sa imbestigasyon ng Guiguinto Police, at base sa kuha ng CCTV footage, habang nagmamaneho ng Isuzu Alterra na walang plaka ang biktimang si Lanungan dakong alas-4:35 ng hapon nang bigla na lang siyang barilin matapos na tapatan ng dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo. 

Nagtamo ng isang tama ng bala ng cal. 45 sa kaliwang bahagi ng tenga ang biktima na sanhi ng kamatayan nito.  Agad namang tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Ayon sa kaibigan ng biktima, posible umanong napagkamalan lang ng mga suspek ang biktima dahil sa wala naman daw itong kagalit at tahimik lang na namumuhay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Guiguinto Police sa motibo sa pagpatay sa ginang.

vuukle comment

RIDING-IN-TANDEM

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with