Barangay chairman utas sa ambush

MANILA, Philippines — Isang barangay chairman ang nasawi makaraang tambangan at paulanan ng bala ang sinasakyan nitong behikulo ng hindi pa nakilalang nag-iisang salarin sa Brgy. Bubukal, Sta. Cruz, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima  na si Toctoc Pandakila, tserman ng Brgy. Bagong Silang, Lumban ng lalawigan.

Sa ulat ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director P/Col. Eleazar Matta, bandang alas-11:30 ng gabi, habang lulan ang tserman ng kulay puting van na may conduction sticker 130103 at binabagtas ang highway ng nasabing lugar para makipagpulong sa mga residente nang parahin ito ng isang lala­king nakatayo sa tabi ng kalsada na nagkunwaring magtatanong ng direksyon. 

Gayunman, paghinto nito, agad siyang binaril ng suspek ng apat na beses. Bagama’t sugatan, nagawa pang magmaneho palayo ang biktima pero hinabol pa rin siya ng suspek at muling pinagbabaril bunsod upang mawalan na siya ng kontrol sa manibela at mahulog ito sa kanal.

Ang biktima ay natagpuang patay sa loob ng nasabing van ng mga rumespondeng tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Ang nasabing van ay pag-aari at pinauupahan ni Brgy. Tanod Mario de Loma ng Brgy. Bubukal Santa Cruz.

Show comments