Drug den sinalakay, 5 timbog

Nasamsam sa kanila ang 10 plastic sachet ng shabu na tinatayang nasa 15 gramo na may street value na P102,000, mga drug paraphernalia at marked money.

ANGELES CITY, Philippines  —  Limang drug suspect ang naaresto matapos na salakayin ng  Philippine Drug Enforcement Agency at Air Force Intelligence Security Group ang isa umanong drug den sa Rene St., Mt. View Subdivision, Brgy. Balibago sa lungsod, Miyerkules ng madaling araw.

Sa ulat ni PDEA-Region 3 Director Gil Pabilona, kinilala ang mga suspek na sina  Andrew Baruelo, 28-anyos, umano’y drug den maintainer; Ricardo Baruelo, 59; Albert Rivera, 34; Michael Borja, 34; at Ruffy Laxamana, 30. Sa ulat, alas-12:15 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust operation matapos magpanggap na poseur buyer ang isang PDEA agent. Nang magkaabutan ng droga at marked money, agad na dinakma sa lugar ang mga suspek.

Nasamsam sa kanila ang 10 plastic sachet ng shabu na tinatayang nasa 15 gramo na may street value na P102,000, mga drug paraphernalia at marked money.

Show comments