MANILA, Philippines — Arestado ang walong Chinese habang 87 manggagawa ang nasagip sa isinagawang raid ng mga otoridad sa isang pagawaan ng pekeng sigarilyo sa Brgy. Patubig, Marilao, Bulacan kamakalawa.
Ayon kay Bulacan Provincial Police Director Police Colonel Chito Bersaluna, ang nasakoteng walong suspek ay pinaniniwalaang mga emplo-yers ng mga nasagip na manggagawa na kinabibilangan ng mga menor-de-edad.
Gayunman, hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng walong Chinese dahil kailangan pa ng interpreter upang makausap ang mga ito nang maayos.
Ang raid ay isinagawa kamakalawa ng umaga sa loob ng Green Miles Compound, sa naturang lugar.
Bago ito ay nakatanggap ang mga otoridad ng tip hinggil sa ilegal na gawain ng mga suspek at nang magpositibo ang impormasyon ay dito na ikinasa ang raid sa lugar na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.
“The arrested suspects and rescued wor-kers are now under the custody of NBI Bulacan for documentation and filing of appropriate criminal charges. Further exhaustive investigation is conducted to determine the identity of the arres-ted Chinese nationals”, ang sabi pa ni Bersaluna.