Top 5 most wanted nadakma

CAVITE , Philippines  —  Makalipas ang may mahigit sa 11-taong pagtatago sa batas at pagpalit ng unang pangalan, bumagsak sa mga kamay ng Gen. Mariano Police ang tinaguriang ika-5 most wanted person sa bayan ng GMA ang isang 55-anyos na mister sa isang Warrant operation ng pulisya kamakalawa  ng hapon sa Brgy. Poblacion 5, GMA, lalawigang ito. 

Kinilala ang suspek na si Reynaldo Joseph Deruga alyas Rene Deruga, may asawa, 55, ng  Block 2 Lot 50, Brgy. Gregoria De Jesus, GMA, Cavite.

Sa ulat, isang operasyon ang isinagawa ng pulisya matapos magpositibo ang kanilang surveillance hinggil sa hide-out ng suspek. Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Matias Garcia II, ng RTC Br. 19, sa Bacoor City para sa kasong homicide, sinalakay nila ang bahay ni Deruga ganap na alas-5:15 ng hapon at hindi na siya nakapalag sa mga operatiba. 

Sa rekord, mahigit 11 taon na nagtago si De­ruga matapos na ma­patay noong 2008 ang isa nitong kapitbahay sa GMA.  

Show comments